Gusto ko lang magpost ng kaunting mensahe para sa mga babasa ng blog ko.
Well, blog ko ito. Ako ang bahala kung ano ang ilalagay ko dito. Maiksi man o mahaba. Kung may comments naman kayo, ok lang. Go post it! Wala akong restrictions sa mga comments na mailalagay niyo. Comments nga,e. Panget naman kung magko-comment pa ako sa comment mo,di ba? Well, sabi ko nga, kaunti lang to. Gusto ko lang bigyan kayo ng warning sa mga maaari ninyong mabasa dito. Paiba-iba kasi ang utak ko,e. Randomly transmitting something, sometimes out of nothing. Pero don't worry, kapag hindi na naman ako masyado busy, at kung lagi ako may internet,e di lagi ako magpo-post. Yun ay kung pwede lang talaga.
Marami akong naiisip, marami akong gustong ilagay sa gubat na ito (gubat na ang itatawag ko dito since ito ang istasyon ng aking utak kung saan naisasaad ko ang nais kong sabihin. bakit gubat? nai-post ko na ata yun,a.previous post please.). Pero I'm running out of time to think that deep. Masyado magabal ang pagtype ko kesa sa pag-iisip ko. Kapag naman may naisip ako, wala ako sa harap ng PC. Sana makagawa ako ng gadget na ganun. Kapag naisip mo, naa-update mo kaagad yung blog mo. Sana naging AIBO na lang ako.

Ganun si AIBO,e. Alam mo ba yun? Kilala mo ba yun? Hindi siya tao. Siya yung robot na aso na gawa ng SONY, kaso phased-out na siya ngayon,e. Sa e-bay ka na lang makakabili. YOWN! So, robot siya, may AI (Artificial Intelligence) siya, temporary na utak at pandamdam, at yung sight niya, camera. So robot siya, may AI, at camera. So pwede mo siya i-program. At yung program, pwede mong ilagay sa kanya as an instruction, na kapag lumabas ka ng bahay, i-update niya yung blog sa pamamagitan ng pagpo-post ng picture ng loob ng bahay mo sa blog mo, through sending those data on a Bluetooth-enabled PC. Pwede mo i-set ang time intervals niya, ibig sabihin, kahit every five minutes lang siya kukuha ng picture, pwede yun! Phew. Imposible? Posible yan.
Sus. Ang gubat talaga ng utak ko. Sabi ko kaunti lang,e...

No comments:
Post a Comment